Martes, Pebrero 19, 2008

pogi is in the eye of the beholder

Marcus is growing up fast! on his fifth month he started crawling, sitting and standing!!! He looks so different now. The other day we were browsing his old photos, and saw how different he looked then. I thought he's more pogi now.

Natakot ako! Kase noon pa lang poging pogi na ako sa kanya, na pag may nakikita akong ibang baby, nasasabi ko agad "sus, walang binatbat sa anak ko yan ah!" Naku! Nanay na nanay ang dating na parang ngayon kelangan ko ng confirmation. Pogi ba talaga siya? O nanay lang nya ako kaya pag nakikita ko sya alam kong wala ng mas popogi pa sa kanya!

Bigla kong na-alala ang mga jokes at mga hirit na "a face that only a mother could love", ang mga salitang "pogi daw ako sabi ng nanay ko!". OH MY GOODNESS! Hindi naman siguro!

Gayun pa man, now I feel the need for a confirmation from an objective pa
rty! Nananawagan po ako! Kung mapadaan kayo sa blog ko ng hindi nyo sinasadya. Kung hindi nyo ako kilala, o kahit kilala nyo ako. Paki confirm lang at ng mapanatag ang kalooban ko! hehe... paki sagot lang po ang aking simpleng tanong: pogi baby ko noh?


Sa pag leave ng comment always remember HONESTY IS THE BEST POLICY!


Nevertheless I love him the same way, at kahit na iba ang sabihin nyo ok lang naman. Gusto ko lang naman malaman ang opinion nyo at malaman ko din if I am one those mothers who can see the light in the midst of darkness! hehehe...

Salamat po!