Biyernes, Abril 18, 2008

tunay at wagas

Para sa mga mahal kong kaibigan, mga kasama ko sa mahigit ng isang dekada, nais kong malaman nyong kayo ay bahagi na ng aking buhay. Wala na akong mahihiling pa mula sa inyo, kung hindi ang patuloy ninyong pagkalinga sa ating pagsasamahan. Sa simula pa lang ng ating pagkakakilanlan ay mabilis na umusbong ang magandang samahan. Simula noon hanggang ngayon, walang bahid, walang sawa at walang pagaatubili... Habang tumatagal, lalong tumitibay. Magbago man ang panahon laging pagkatandaan ako ay nandirito pa rin at batid kong kayo rin. Nagsimula noong tayo ay nasa mataas na paaralan pa lamang ikatlong baytang, ngayon may mga pamilya ng sarili, nag tratrabaho na, may nangibang bansa, bumalik at meron pang babalik pa lang. Ako ay galak na galak at alam ko na kahit hindi tayo nagkikita araw-araw o nag uusap sa sandaling may mangailangan, may kasiyahan o may salu-salo nabubuo tayo at tila walang panahong lumipas, nariyan para sa isa't isa.


Mahal na mahal ko kayo! Mabuhay kayo!

Walang komento: